Inirerekomenda ng OCTA research group sa Metro Manila na itaas sa 60,000 ang kapasidad ng COVID-19 testing.
Ito’y ayon kay OCTA research group member Dr. Guido David, isa itong paghahanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay David, bumaba ang naitatalang bagong kaso sa mahigit tatlong katao kada araw o nasa 18% sa Metro Manila.
Gayunpaman, sinabi ni David na kailangan doblehin ang testing capacity sa NCR upang maiwasan ang pagdami ng kaso kada araw sa metropolis.
Samantala, umaasa naman si David na bababa ang positivity rate sa 15% sa mga susunod na araw kung sakaling susunod sa minimum health protocols ang mga Pilipino. — sa panulat ni Rashid Locsin.