Posibleng mabuksan na sa Martes o Miyerkoles, Abril 22 ang Marikina molecular laboratory.
Ini-anunsyo ito ni Health Secretary Francisco Duque III, batay anya sa report sa kanya ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nakatakdang magsagawa ang Department of Health (DOH) ng proficiency testing sa laboratoryo sa Lunes, Abril 20, bago bigyan ito ng sertipikasyon na maaari na itong mag operate.
Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na posibleng sa susunod na linggo pa ang opisyal na operasyon ng kanilang molecular laboratory.
Ayon kay Teodoro, bagamat bukas na ngayon ang laboratoryo, ito ay para lamang sa pag-calibrate ng mga makina at iba pang paghahanda.
Inaprubahan na rin anya ng Department of Health (DOH) na bilisan at agahan ang biosafety training ng mga laboratory personnel na magpapatakbo sa laboratoryo.