Pormal nang binuksan ang COVID-19 testing facility ng Philippine National Police (PNP) sa gusali ng crime laboratory sa Kampo Krame ngayong Martes, ika-26 ng Mayo.
TINGNAN: COVID-19 testing facility ng PNP, pormal nang binuksan (: PNP PIO) | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/DATZmweyCk
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 26, 2020
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, kayang makapagsagawa ng hanggang 150 test kada araw ng nabanggit na testing center.
Aniya, hindi lamang mga pulis ang pagsisilbihan ng pasilidad kundi maging ang kanilang pamilya o mga dependents.
Samantala, plano rin ng PNP na makapagtayo ng kaparehong testing center sa kanilang kampo sa Region 7 at Region 11.
Kasabay nito, inilunsad naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang mobile swabbing truck na siyang kukuha ng mga samples sa mga pulis na nasa field at saka dadalhin sa kanilang molecular lab para suriin. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)