Pinal nang ibinasura ng Department of Health (DOH) ang Marikina coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing facility.
Ito ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay dahil hindi pumasa ang nasabing testing facility sa standards sa espasyo at biosafety.
Una nang inihayag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na hindi inaprubahan ng DOH ang kanilang testing facility dahil kailangan aniya ng hiwalay na gusali para rito.
Ang nasabing testing center ng Marikina ay nasa ika-anim na palapag ng City Health Office na ayon kay Teodoro ay binakante na para sa nasabing pasilidad.