Hindi na required na sumailalim sa RT-PCR tests kada dalawang linggo ang mga unvaccinated employees na papasok on-site sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1.
Batay sa bagong resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force, tanging ang mga empleyadong nakararanas ng sintomas ng COVID-19 ang required na sumailalim sa testing.
Para sa mga manggagawang nagtatrabaho sa alert level 2 areas, mananatili pa rin ang mandatoryong testing requirement.
Sa ngayon, bagaman suportado ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante ang bagong kautusan, iginitt pa rin nito ang kahalagahan ng bakuna at booster shot bilang dagdag-proteksyon laban sa virus.