Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring bilhin at gamitin ng ordinaryong mamamayan ang testing kits sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahit pa commercially available na ito.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa rin ng molecular laboratory para maproseso ang test sa COVID-19.
Ibig sabihin, kailangang ospital pa rin o doktor na may molecular lab ang kailangang magsagawa ng COVID-19 test.
Ang maganda lamang anya ngayon, mas maraming ospital na ang magkakaroon na ng kakayahang magsagawa ng testing.