Binuksan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratory sa Isabela.
Ayon kay PRC Chairman, Senator Richard Gordon, kaya nitong mapagsilbihan ang buong rehiyon ng Cagayan Valley.
May kapabilidad aniya ang laboratoryo na makapagproseso ng hanggang 2,000 test kada araw.
Sinabi ni Gordon, dito lumalabas ang kahalagahan ng pagbabayad ng PhilHealth dahil nagagawa nilang ire-invest ang nakukuhang pera at makapagpatayo ng karagdagang pasilidad.
Samantala, kasabay ng pagbubukas ng COVID-19 testing laboratory ng PRC, namahagi na rin ang organisasyon ng mga relief good sa may 250 residente sa Barangay Sipay, Ilagan City.