Nadagdagan pa ng apat ang laboratoryong accredited ng Department of Health (DOH) para sa coronavirus disease (COVID-19) testing.
Kabilang dito ang RT-PCR laboratories ng Delos Santos Medical Center, Daniel O. Mercado Medical Center at San Pablo College Medical Center samantalang gumagamit naman ng GenExpert machines ang isang laboratoryo mula sa Amang Rodriguez Memorial Center.
Dahil dito ipinabatid ng DOH na nasa 93 na ang kabuuang certified laboratory sa bansa para sa COVID-19 test kung saan 70 rito ay humahawak ng reversed transcription polymerase chain reaction at 23 ang may GenExpert testing.
Sinabi ng DOH na umabot na sa mahigit 1-milyong test ang nagawa ng mga nasabing laboratoryo.
Hanggang nitong July 25 nasa mahigit 110,000 tests na ginawa ang nag resulta ng positibo.