Pasok na sa third phase ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ng biotechnology company na Regeneron.
Ipinabatid ng kumpanya na nakumpleto na ang dalawang trial stage ng regn-cov2 sa kanilang investigational double antibody para sa treatment at prevention ng COVID-19.
Sa phase 3 inaasahang makikita ang abilidad ng nasabing gamot para mapigilan ang coronavirus infection sa mga taong hindi pa nadadapuan ng virus.
Bahagi ng phase 3 testing ang 100 sites kabilang ang 2,000 pasyente mula sa Amerika.