Kailangang maitaas ang COVID-19 testing output ng bansa sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Ito ang iginiit ng isang analyst na si Edson Guido sa gitna na rin ng pagluluwag ng protocols sa ilang mga lugar, partikular na ang NCR.
Nabatid na bumaba ang testing output ng mga laboratoryo kung saang nitong nakaraang linggo, nasa 55,000 ang average tests na nagawa sa bansa, na malayo sa 80,000 tests na nagawa noong Setyembre.
Sinabi pa ni Guido na mas malaki ang porsyento ng binaba ng COVID-19 cases kumpara sa porsyento ng testing at kung tataaasan aniya ang testing output ay posibleng madagdagan din ang bilang ng magpopositibo sa naturang sakit.—sa panulat ni Hya Ludivico