Isang kasunduan ang nilagdaan ng PhilHealth at Philippine Red Cross hinggil sa isinagawang mass testing ng Red Cross para sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Red Cross Chairman Senador Richard Gordon nakasaad sa kasunduan na covered na ng PhilHealth ang gastos para sa COVID-19 testing sa Red Cross.
Dahil dito ipinaalala ng Red Cross na dalhin lamang ang PhilHealth card o documentation/number kapag magtutungo nasa kanilang tanggapan para sa testing.