Itinanggi ng Department of Health (DOH) na itinigil na ng RITM ang pagpoproseso ng COVID-19 tests.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tuloy-tuloy ang pagte-test ng RITM ng samples taliwas sa kumakalat na balitang tumigil nang mag-test ang RITM dahil sa biosafety hazards.
Pinayuhan ni Vergeire ang publiko na i-check o i-verify mabuti ang mga nakikitang post sa social media dahil buhay at kaligtasan ang nakasalalay sa bawat click at share kaya’t dapat maging responsable sa paggamit ng social media.
Ang RITM ay isa sa limang sub national laboratories ng DOH kung saan ipoproseso ang test para sa mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19.
Bukod sa RITM kabilang din sa sub national laboratories ng DOH ang San Lazaro Hospital sa Maynila, Baguio General Hospital and Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu at Southern Philippine Medical Center sa Davao City.