Posibleng ilabas sa susunod na linggo ang COVID-19 transition plan ng gobyerno.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, nakipagpulong siya sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Inter-Agency Task Force (IATF) principals upang talakayin ang transition ng bansa patungo sa new normal.
Sinabi pa ni Duque na hindi pa niya masabi kung magkakaroon ng resurgences ng COVID-19 infections, ngunit binigyang diin nito na bahagi ng transition plan na maihanda ang mga tao sakaling tumaas ang mga kaso.
Bilang bahagi din aniya ng transition ay mayroon na rin silang proseso para sa pagre-review ng presyo ng COVID-19 tests at hihikayatin din nila ang mga local government unit na mamahagi ng COVID-19 care kits.