Kinilala na ng Gobyerno ng Pilipinas ang National COVID-19 vaccination certificates mula sa walo pang karagdagang bansa.
Ayon kay acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles, alinsunod ito sa IATF resolution 162-b na kumukilala sa vaccination certificates ng Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta at Uruguay.
Para ito sa pag-quarantine sa bansa maging sa interzonal at intrazonal movement.
Sa pinakahuling tala, nasa 62M Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. - sa panulat ni Abigail Malanday