Walang extensyon ng COVID-19 vaccination drive sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon kay Department of Transportation undersecretary Artemio Tuazon Jr. Ito’y dahil ang vaccinators ay mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan mayroon din aniyang commitment ang mga ito.
Matatandaang nagsimula ang naturang bakunahan sa PITX noong Enero 24 at natapos ngayong araw.—sa panulat ni Airiam Sancho