Wala nang maidadahilan ang ehekutibo para matagalan at maantala ang pagbili at pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ito ayon sa mga senador, kapag naging ganap ng batas ang senate bill 2057 o COVID-19 vaccination program act na aprub na sa senado.
Sa ilalim nito , luluwagan ang patakaran para mabilis na makabili ng COVID-19 vaccines ang national government, gayundin ang local government units at pribadong sektor.
May itinakda din na 500-M national vaccine indemnity fund bilang tugon sa hinihingi ng vaccine manufacturers.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, wala na dapat maging sagabal sa pagbili ng bakuna.
Iginiit din nina Sen. Joe Villanueva, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan, wala nang excuse para patuloy na maantala ang pagdating ng bakuna sa sandaling ito ay maisabatas.
Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, maganda at kumpleto ang ginawa nilang vaccination program act na sana daw ay hindi ito sayangin ng ehekutibo.
Samantala, sinabi ni Zubiri na Pilipinas ang kauna unahang bansa sa buong mundo na gumawa ng batas ukol sa pagbili at distribution ng bakuna pero pa wala pa tayo kahit isang bakuna.