Sinaksihan at pinasinayahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ceremonial vaccination program ng lungsod ng Maynila para sa mga medical frontliners nito sa Sta. Ana Hospital.
Ayon kay Moreno, kasama sa mga naunang mabakunahan sa naturang vaccination program ay si vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doktor, acting City Health Officer Arnold Pangan, Sta. Ana Hospital Director Dra. Grace Padilla at ilan pang matataas na opisyal ng pagamutan.
Mababatid na hindi nagpaturok ng bakuna si Moreno pero nilinaw nito na kahit na gusto niyang maturukan nito, ginagalang niya ang priority list ng pamahalaan na inuuna ang mga health workers.
Tinatayang nasa 3,000 vials ng COVID-19 vaccines ang ibinigay sa Sta. Ana Hospital.