Bumagal ang COVID-19 vaccination rate sa Pilipinas dulot ng pag-abot ng bansa sa peak ng populasyon na kailangang mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, Special Adviser ng National Task Force Against COVID-19, lumayo ang bansa sa target na bilang nito na mababakunahan sa kasagsagan ng national vaccination days.
Sa target na 500K hanggang 1M mababakunahang indibidwal kada araw, bumaba ito sa 3.5M.
Ilan sa nakikitang dahilan ay ang dami na ng Pilipinong nabakunahan kontra sa virus. – sa panulat ni Abigail Malanday