Papayagan nang um-attend ng face to face classes ang mga estudyante, teaching at non-teaching personnel sa kolehiyo kahit hindi bakunado ang mga ito laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na ihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera, ang pag-aalis sa requirement na COVID-19 vaccination upang makadalo sa in-person classes.
Sa ngayon ay ipauubaya na ng CHED sa mga institusiyon kung ibabalik na nito ang full face-to-face classes o magkakaroon muna ng blended learning.