Inihayag ng Palasyo na sila’y umaasa na magtutuloy-tuloy na ang roll-out ng vaccination program sa bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito’y dahil may inaasahan pang paparating na isang milyong doses ng bakuna mula Sinovac.
Dagdag pa ni Roque ang naturang isang milyong doses ng bakuna ay bibilhin ng bansa na inaasahang darating sa mga susunod.
Mababatid na sa ngayon ay ginagamit na sa mga frontline workers ang 600,000 doses ng mga bakunang gawa ng Sinovac.