Pag-aaralan ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataang 5 taon pababa kontra Covid-19.
Ayon kay National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje, naka-depende ang mga pag-aaral sa resulta ng pagsasaliksik sa ibayong dagat at kung may ilang bakuna na pwede sa mga edad 5 pababa.
Aalamin din anya kung sino na ang mga mayroong emergency use authorization at ano ang i-re-rekomenda ng Health Technology Assessment Council.
Inihayag din ni Cabotaje na ang vaccine program ng bansa ay naka-latag na para sa susunod na administrasyon.
Gayunman, mayroon anyang pangangailangan na itaguyod ang pagtuturok ng booster at ng primary series.
Kamakailan lamang, sinimulan na ng Pilipinas ang booster dose vaccination para sa immunocompromised na edad na 12 hanggang 17.