Hindi pa dapat ikunsidera ang pagbabakuna sa mga edad lima hanggang labing-isa laban sa COVID-19.
Sa halip ay inirekomenda ni Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines President, Dr. Mary Ann Bunyi ang pagbabakuna muna sa 50% ng target population.
Ayon kay President Bunyi, dapat pa ring iprayoridad ang senior citizens at may mga sakit dahil mas lantad sila sa panganib na dala ng COVID-19.
Bagaman mahigit 90% ang bisa ng bakuna batay anya sa pag-aaral ng pfizer sa U.S., issue pa rin kung ligtas ang bakuna lalo sa mga bata.
Magugunitang sinimulan ng Gobyerno noong oktubre 15, ang COVID-19 vaccination sa mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities. —sa panulat ni Drew Nacino