Aminado si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na hindi na maaabot ng pamahalaan ang 90 milyong indibidwal na bakunado bago bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, ibinaba sa 77 milyon hanggang 80 milyon ang target nitong bilang sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.
Ayon kay Galvez, bumagal ang vaccination rate ngayong taon, kung saan 18.2 milyong doses ang naiturok noong Enero, 8.7 milyong doses noong pebrero at 6.7 milyong doses noong marso.
Batay sa datos hanggang nitong April 19, umabot na sa 67.1 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 12.7 million individuals naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shot.