Nararapat lamang na muling mapaigting ang Covid-19 vaccinations kasunod ng namataang BQ.1 sub-variant sa bansa.
Ayon kay Infectious Disease expert Dr. Rontgene Solante, na ang sub-variant na ito ang sub-variant ng BA.5 na syang dominant variant sa nakalipas na ilang buwan, at may kakayahan na muling manganak ng mas nakahahawang virus.
Nangangahulugan aniya ito na mataas ang risk na mahawaan pa rin ng sakit ang mga bakunado lalo na ang mga unvaccinated.
Pinaalalahanan naman ni Solante ang mga immunocompromised individuals na maging maingat laban sa BQ.1 sub-variant.