Inamin ng Department of Health (DOH) na kulang ang vaccinators ng bansa para sa COVID-19 vaccines at mga bakuna ng national immunization program.
Sa paggunita sa national immunization week 2021 sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong hamon sa health system ng bansa dahil kapwa nakatutok ang healthcare workers sa COVID-19 at non COVID-19 response.
Halos lahat aniya ng healthcare workers na nagtatrabaho sa mga ospital ngayon ay nagsisilbi rin sa local government units.
Dahil dito ipinabatid ni Vergeire na pinalalalakas ng gobyerno ang hiring ng medical frontliners at nakikipag-ugnayan na rin sila sa pribadong sektor para mapalakas pa ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Binigyang diin naman ni W.H.O Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na sa ilang lugar malaki talagang hamon ang access ng mga bata para mabakunahan dahil sa kakulangan ng healthcare workers.