Umarangkada na ang simulation exercise ang pamahalaan hinggil sa vaccination rollout.
Ito’y paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na pagdating sa bansa ng unang batch ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mababatid na sisimulan ang naturang simulation exercise sa pagdating ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kung saan dadaan ang mga bakuna sa Customs clearance.
Matapos nito, agad na ilalagay ang mga bakuna sa sasakyang magdadala nito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Bukod pa rito, kabilang din sa isasagawang simulation ang paglilipat ng mga bakuna sa storage facilities sa bansa bago ito tuluyang gamitin.
Samantala, ang unang batch ng bakuna kontra COVID-19 ay nakalaan para sa mga tauhan ng mga COVID-19 referral hospitals gaya ng Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)