Epektibo pa rin ang COVID-19 vaccine kontra sa bagong variant na ‘omicron xe’, na unang naiulat na pinagsamang mutant ng BA.1 at BA.2 sub-variants ng Omicron.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Ted Herbosa, Medical Adviser ng National Task Force Against COVID-19, mainam pa rin na magpaturok ng booster shot bilang dagdag na proteksyon sakaling makapasok ang bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, sinabi nito na mababa pa rin ang bilang ng mga naturukan ng booster shot.
Ako, To me, dapat ituro niyo sa media, ipinapaalam sa mga tao na kailangan pa rin tayong magpa-booster, merong bagong sasakyan, yung Omicron xe na puwedeng makapasok, isa pang proteksyon natin yun, kung ikaw ay naka-booster kahit makapasok pa yan si Omicron xe, kampante ka na kahit magkasakit ka, malamang hindi ka ma-ICU at malamang hindi ka mamatay o baka sore-throat o sa bahay ka lang.
Naniniwala naman si Herbosa na mapipigilan ang pagpasok ng bagong variant sa bansa dahil sa ipinatutupad na protocols ng pamahalaan.
Hindi naman lahat pinapapasok, dapat vaccinated at kailangang negative ‘yung PCR mo at kung hindi ka naman nag-PCR, tinatanggap na din natin ‘yung 24 hours na Lab base antigen, kailangan sa laboratory ginawa bago ka makasampa sa eroplano.