Lima ang kumpirmadong nasawi matapos masunog ang pasilidad ng Serum Institute of India sa bahagi ng Pune.
Ayon kay Adar Poonawalla, chief executive officer ng Serum Institute, labis nilang ikinalungkot ang pagkasawi ng lima na pawang mga empleyado nila.
Handa naman ang kumpaniya na magbayad ng danyos sa pamilya ng mga nasawi nilang emplyeado sa halagang 1.6 na milyong ruppe o mahigit P1 milyong.
Dahil sa nangyari, apektado ang produksyon ng mga bakuna ng Oxford-AstraZeneca kung saan magmumula ang malaking bulto ng mga bakuna kontra COVID-19 na ipamamahagi sa mga mahihirap na bansa.
Kasunod nito, hindi pa batid kung ano ang magiging epekto ng nasabing insidente sa inaasahang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.