May posibilidad na magkaroon muli ng COVID-19 surge, gayong dumadami ang mga pagtitipon habang papalapit ang eleksyon, at bumababa ang proteksyon ng mga nabakunahang indibidwal, na posibleng magresulta ng hawaan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel at Infectious Disease Specialist, na marami pa rin ang walang bakuna, lalo na sa vulnerable population na kinabibilangan ng mga senior citizen, at immunocompromised indviduals.
Aniya, mas mataas kasi ang tiyansa na posibleng tamaan ng severe COVID-19 ang vulnerable sector sakaling tumaas muli ang mga kaso.
Sinabi pa ni Solante na mas mainam na magkaroon ng COVID-19 vaccine upang hindi mahawaan ng severe COVID-19.