Posibleng dumating na sa bansa ang kauna-unahang batch ng bakuna mula sa Gamaleya ng Russia.
Ayon kay Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, inaasahan ang pagdating ng bakuna ng Gamaleya sa April 12 at posibleng sumunod na rin ang iba pang bakuna kontra COVID-19 gaya ng Sinovac.
Sa Mayo naman ay inaasahan ang pagdating sa bansa ng bakuna ng Moderna mula sa Estados Unidos.
Tinatayang aabot sa mahigit apat na milyon ang paparating na bakuna ngayong buwan hanggang sa Mayo.