Inihatid na sa mga priority hospital sa Metro Manila ang unang batch ng bakunang AstraZeneca mula sa Covax facility ng World Health Organization (WHO).
Kabilang sa mga pinadalhan ng bakunang AstraZeneca ay ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, Cardinal Santos Medical Center sa San Juan at Ospital ng Parañaque.
Bukod dito, patuloy naman ang pamamahagi ng Sinovac sa lahat ng ospital ng Metro Manila.
Binigyan naman ng karagdagang bakuna ng Sinovac ang Trinity Woman and Child Hospital, De Ocampo Memorial Medical Center, Sta. Teresita General Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila.
Samantala, magsisimula naman ang lokal na pamahalaan ng Parañaque na mag-rollout ng AstraZeneca sa mga health workers. — sa panulat ni Rashid Locsin.