Inamin ng Food and Drug Administration (FDA) na malaki ang tsansang mabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at Bio N Tech.
Kasunod na rin ito ng anunsyo ng United Kingdom ang pagbibigay ng EUA sa potential vaccine ng 2 kumpanya na sisimulan nang iturok sa mga nasa UK sa susunod na linggo.
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na naniniwala siyang dumaan sa masusing proseso ang application ng Pfizer- bio n’ tech bago inirekomenda ang medicines and healthcare products regulatory agency sa pamahalaan ng britanya
Kung magpapasa ng application para sa EUA ng Pilipinas ang mga kumpanya inihayag ni Domingo na kailangan nilang patunayang epektibo at ligtas ang kanilang bakuna sa pamamagitan ng mga kaukulang dokumento.
Posible aniyang sa loob ng 21 hanggang 28 araw ay makapagpalabas sila ng desisyon sa EUA ng isang kumpanya na makapagpapasa ng kumpletong requirements sa application.