Pumasok na sa final stage ng clinical trial ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac biotech, isang Chinese firm na nakipag partner sa Butantan Institute, isang Brazilian public health research center.
Ang Chinese made vaccine ang ikatlo na sa mga ginagawang bakuna na nakapasok sa phase 3 ng clinical trial.
Sa ilalim ng phase 3, nasa 9,000 health workers mula sa 6 na Brazilian states ang tatanggap ng tig dalawang doses ng coronavac sa susunod na tatlong buwan.
Inaasahang lalabas ang resulta ng clinical trial sa loob ng 90 araw.
Ang phase 3 ang huling hakbang bago makakuha ng regulatory approval.