Inanunsiyo ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na inirerekomenda nila ang COVID-19 vaccine ng Sinovac para sa mga health workers.
Sinasabing darating na Pebrero 28 ang first batch ng bakuna ng Chinese company kung saan ipaprayoridad umano ang mga sundalo at mga manggagawang medikal.
Una rito, inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring hindi angkop ang Sinovac sa mga health workers na na-expose sa mga COVID-19 patients dulot ng 50.4% efficacy rating na nakuha nito sa isang pag-aaral sa Brazil.
Gayunman, inihayag ng NITAG na sapat na ang isinagawang pag-aaral ng lupon ng mga dalubhasa kung saan lumalabas na ligtas umanong gamitin ang nasabing bakuna.