Sinimulan na ng drug manufacturers na Pfizer Incorporated at BioNTech SE ang kanilang pag-aaral hinggil sa kaligtasan at bisa ng kanilang bakuna kontra COVID-19 sa mga buntis.
Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ng ilang mga public health officials na isama ang mga buntis sa mga mababakunahan kontra COVID-19 kahit wala pang patunay kung ligtas ito sa kanila.
Ayon sa Pfizer at BioNTech, isasagawa ang pag-aaral sa may apat na libong mga buntis na volunteers na edad 18 pataas mula US, Canada, Argentina, Brazil, Chile, Mozambique, South Africa, UK at Spain.
Matatanggap ang bakuna habang nasa ika-24 hanggang 34 na linggo nang nagbubuntis ang mga volunteers.
Tulad sa ibang clinical trial, dalawang shots din ang ibibigay kung saan 21 araw ang pagitan ng pagbakuna.