Hindi pa irerekomenda ng DOH ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Sa kabila ito nang pag-apruba ng FDA sa EUA o Emergency Use Authorization ng Pfizer at Moderna para maturukan ng kanilang bakuna ang mga may edad 12 hanggang 17.
Sinabi ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigpit pang pinag-aaralan ng experts ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan, kaya’t dapat hintayin na lamang kung ano ang magiging rekomendasyon ng DOH partikular ng vaccine experts.