Posibleng sa second quarter pa ng 2021 magkaroon ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ito ni Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health and Research Development, base na rin sa pagtaya ng experts at may approval ng Food and Drug Administration.
Sinabi pa ni Montoya na kapag naging available na ang anti-COVID-19 vaccine, 20% ng total demand nito ang makukuha ng bansa sa pamamagitan ng COVAX.
Ang COVAX na pinangingunahan ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, Gavi at World Health Organization ay global initiative ng mga bansa at manufacturers sa buong mundo para tiyaking magkakaroon ng pantay na access sa COVID-19 vaccine ang lahat ng bansa.
Aabot ng P500 hanggang P1,000 ang kada turok ng bakuna na dalawang dose ang ibibigay sa isang indibidwal sa pagitan ng 20 hangggang 28 araw.
Kasabay nito, muling pinayuhan ni Montoya ang publiko na sumunod sa health and safety protocol.