Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na kanilang inialok ang COVID-19 vaccine storage facility ng lungsod sa kalapit na mga siyudad at mga ahensya ng pamahalaan na walang pang mapag-lalagakan ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang masayang pahayad ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng pagbubukas ng storage facility sa Sta. Ana Hospital na nasa lungsod.
Giit pa ni Moreno, gagawin ng lungsod ang lahat ng makakaya nito para maayos at epektibong malabanan ang banta ng COVID-19.
Mababatid na sa ngayon, ay naghihintay na lang ang lungsod sa pagdating ng bakuna.
Sa ngayon, may 12 refrigeration units ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa kanilang vaccination program.