Tiyak na ang suplay ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ay matapos maselyuhan ang pagbili ng bansa ng 106-million hanggang 108-million doses ng COVID-19 vaccines kasunod nang paglagda sa limang term sheets sa mga manufacturers.
Ipinabatid ni Galvez na target ng Pilipinas na makabili ng 146-million hanggang 149-million doses ng bakuna.
Una nang inanunsyo ni Galvez na bibili ang Pilipinas ng mga bakunang gawa ng Sinovac ng China, British drug maker na AstraZeneca, Pfizer ng Amerika, Moderna at serum institute ng India.
Inaasahang darating na sa bansa sa buwang ito ang bakuna mula sa China.