Itinanggi ng Malakanyang na nagmula sa pamahalaan ang bakuna kontra COVID-19 na sinasabing natanggap ng 2 mambabatas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na uunahin ang pinakamahihirap na Pilipino kapag nakabili na ng bakuna ang pamahalaan.
Sakaling nakapagpabakuna na aniya ang ibang tao, nakatitiyak si Roque na hindi ito galing sa gobyerno.
Magugunitang nitong weekend isiniwalat ni Senate President Vicente Sotto III na nabakunahan na kontra COVID-19 sina Senador Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.
Hindi naman inamin o itinanggi ni Lacson ang naging pahayag ni Sotto, bagama’t ipinahiwatig ng senador na posibleng joke lamang ito.