Tiniyak ng isang eksperto ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines laban sa Omicron subvariant BA.5.
Ito ay matapos maitala na sa bansa ang dalawang kaso ng bagong variant na nagmula sa Central Luzon.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, infectious disease expert at miyembro ng vaccine expert panel, bagaman mabilis ang trasmission level ng bagong variant, wala namang ebidensiya na magdudulot ito ng malalang sintomas.
Ang mahalaga aniya ay manatili ang proteksyon ng mga Pilipino laban sa COVID-19.
Samantala, muling hinikayat ni Salvana ang publiko na magpaturok na ng booster shot bilang dagdag-proteksyon laban sa virus.