Epektibo ang COVID-19 vaccines laban sa bagong Delta Subvariant na AY.4.2.
Ito ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante kahit pa kakaunti pa lamang aniya ang datos hinggil sa naturang variant.
Katulad din aniya ito ng Delta variant na mas nakakahawa.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng nasabing variant sa bansa, ayon sa Department of Health. —sa panulat ni Hya Ludivico