Inihayag ng isang eksperto na hindi gaano ka-epektibo laban sa bagong Omicron subvariant na BQ.1 ang mga bakuna sa bansa.
Sinabi ito sa DWIZ si Dr. Rontgene solante, isang infectious disease specialist kasunod na pagkaka-detect sa Pilipinas ng 14 na kaso ng BQ.1.
Ayon kay Solante, maaari pa ring mahawaan ng bagong virus ang mga Pilipino kahit nakapag-booster na.
Dahil dito, sinabi ni Solante na mas maigi kung bivalent vaccines ang ipapamahagi dahil mas epektibo ito laban sa bagong variant.
mas maganda kung medyo bago na yung bakuna natin gaya nung bivalent Omicron vaccine dahil mas mataas na yung magiging proteksiyon nito dahil at least marerecognize pa niya itong BQ.1, on that note kung iprioritize natin ang babakunahan ng bagong formulated na bivalent vaccine doon natin ilaan sa mga vulnerable population…” Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist sa panayam ng DWIZ
Ang Omicron subvariant BQ.1 ay may karagdagang limang mutation na iba sa pinanggalingan nitong BA.5.
Gayunman, sinabi ni Solante na hindi ganoon kalala ang epekto nito sa katawan, na mababa rin ang tiyansa ng pagkamatay.
yung sa mga bansa kung saan ito nakikita, hindi naman masyadong severe ang mga presentation nito, kaya lang napakalakas na manhawa, kung matanda ka, 65 years old and above may mga commorbidities medyo, mataas-taas ang magiging komplikasyon nito, pero ganoon pa man kailangan pa rin natin mag-ingat miski sabihin natin majority of those na kinakapitan nito only having mild symptoms …” Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist sa panayam ng DWIZ