Isinusulong sa Kamara na gawing ‘tax-free’ ang mga COVID-19 vaccines.
Ito’y sa ilalim ng panukalang House Bill 8584 o anti-COVID-19 testing, treatment, and local manufacturer affordability act of 2021 ni barangay health workers representative Angelica Natasha Co na layong amyendahan ang internal revenue ng bansa para maging tax free o walang babayarang buwis ang lahat ng bakuna kontra COVID-19.
Paliwanag ni Co, sa madaling salita, ang tax free ay nangangahulugang wala itong import duties, administrative fees, walang vat at iba pang kahalintulad na bayarin.
Sa huli, giit ni Co, layon ng kanyang panukalang batas ay para tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng publiko para magtuloy-tuloy nang makabangon ang ekonomiya ng bansa kung kaya’t dapat aniyang isantabi ang anumang gastusin na kaakibat ng implementasyon ng vaccination program sa bansa.