Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang aplikasyon ng Indian firm na Bharat at kompanyang Johnson and Johnson para sa para sa kanilang Emergency Use Authorization.
Ito ay matapos pasalamatan ni Indian Ambassador shambhu kumaran ang mga opisyal ng bansa sa Twitter.
Sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na isyuhan na rin ng eua ang Janssen vaccine.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si FDA, Department Of Health and Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Sa india dahil nagkaroon ng interes ito na mag-apply ng EUA sa Pilipinas.
Samantala, sinabi rin ng FDA na mayroong 95% at 92% efficacy rate sa kahit kanino maging sa anumang lahi.—sa panulat ni Rashid Locsin