Umabot na sa 89 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nabili ng Pilipinas mula sa iba’t ibang vaccine manufacturers sa buong mundo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na tinatayang nagkakahalaga ng 1 bilyong dolyar ang mga bakuna.
Sa kabuuang halaga na ito, nasa 400 milyong dolyar ang nabayaran ng pamahalaan.
Ang naturang pondong ginamit sa pagbili ng bakuna ay hinugot sa national budget ng bansa at mga multilateral financial institutions, kung saan nakapag-loan ang Pilipinas para sa pagpapatuloy ng COVID-19 vaccination program ng bansa.
Aniya, hindi kasama sa 89 milyong doses ang donasyon mula sa CoVax facility.