Umapela si vaccine cazr Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang mga bakuna kontra COVID-19.
Paliwanag ni Galvez, dadaan ang mga bakunang bibilhin ng gobyerno sa masusing pag-aaral ng vaccine experts panel at ng Food and Drug Administration(FDA).
Tiniyak din nito na ligtas at epektibo ang lahat ng bakunang makapapasa sa FDA.
Dagdag pa ni Galvez, nasa 66-milyon na ang nabakunahan ng bakuna kontra COVID-19 gaya ng Pfizer-BioNTech at Sinovac, kung saan, maganda aniya ang naging resulta nito at manageable din ang naging epekto ng mga bakuna.
Samantala, magugunitang una nang sinabi ng vaccine czar na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70-milyong Pinoy kontra COVID-19 ngayong taon.