Hindi malayong kumalat ngayong taon ang bagong COVID-19 variant na mas nakahahawa at peligroso sa Omicron.
Ito ang isa sa mga nakikitang scenario ng World Health Organization (WHO) sa gitna ng mga panibagong COVID-19 surge na naitatala sa ilang bansa gaya sa China, Canada at South Korea.
Gayunman, sa ikalawang scenario ay nilinaw ng WHO na maaari rin namang humina ang virus dahil sa lumalakas na immunity ng publiko.
Para naman sa ikatlong scenario, maaari ring sumulpot ang isang panibagong variant pero mas mahina na ito at kahit hindi na kailanganin ng boosters o bagong formulations ng bakuna.