Isang panibagong COVID-19 variant na hindi umano tinatablan ng vaccine ang pinangangambahang kumalat sa Europa.
Ito’y matapos bawian ng buhay ang pitong residente sa isang nursing home sa Zaventem, Belgium bunsod ng outbreak ng B.1.621 o COVID-19 Kappa variant na unang nadiskubre sa Colombia noong Enero.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control, fully vaccinated na ang 7 pasyente habang 21 iba pa ang nahawaan batay sa isinagawang test.
Pawang nasa edad 80 hanggang 90 na ang mga binawian ng buhay.
Na-detect din sa britanya ang nasabing variant kung saan mayroon ng 37 kaso.
Gayunman, hindi pa mabatid ng mga siyentista kung mas nakahahawa ang Kappa kumpara sa Delta, Lambda at Epsilon variants. —sa panulat ni Drew Nacino