Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pang natutukoy na COVID-19 XBB variant sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang XBB variant ay bagong subvariant ng Omicron na recombinant ng BJ.1 na sublineage ng BA.2.10.1 at BM.1.1.1 na sublineage ng BA.2.75.
Sinabi ng ahensya na nakikipag-ugnayan sila sa local sequencing facilities, para sa patuloy na pagsasagawa ng surveillance upang mamonitor ang naturang variant at iba pang emerging SARS-COV-2 variants.
Nabatid na ilang mga bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod ng XBB variant, kabilang ang Singapore.